^

Metro

11-anyos sapol sa ligaw na bala

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na batang lalaki ang ino­obserbahan sa ospital matapos na tamaan ng ligaw na bala habang nanonood ng telebisyon ang una sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Ospital ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa kaliwang balikat ang biktimang si Jenn Edmar­ Santos, taga C. Santos St., Barangay  Niugan ng naturang  lungsod.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Ma­labon City Police kung sino ang taong responsable sa pamamaril.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente  ng alas-9:15 ng gabi habang abala sa panonood ng programa sa telebisyon ang biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Biglang nakaramdam ng kirot ang bata sa kanyang balikat. Nang tingnan ng kanyang pamilya ay umaagos ang dugo sa balikat ng bata. Dahil dito, mabilis na isinugod sa ospital ang bata at dito napag-alamang may tama ng bala ang bata.

Lumalabas na tumagos sa kanilang bubungan ng bahay ang bala at tumama sa inosenteng bata.

vuukle comment

BIGLANG

CITY POLICE

DAHIL

GINAGAMOT

JENN EDMAR

LUMALABAS

MALABON CITY

SANTOS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with