^

Balita Ngayon

'Fabian' nakalabas na ng Piilpinas

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Fabian, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes.

Base sa pagtataya ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga, nasa 340 kilometro kanluran ng Laoag, Ilocos Norte si Fabian na may lakas na 55 kilometers per hour (kph) habang umuusog ito sa direksyong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.

Pero kahit wala na sa PAR ang bagyo ay sinabi ni weather forecaster Alvin Pura na palalakasin pa rin nito ang hanging habagat na magdadala ng mahihinang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon partikular sa Palawan.

 â€œEven if ‘Fabian’ has exited Philippine territory Friday, it will still enhance the southwest monsoon… We expect the weather to gradually improve starting Sunday,” ani Pura.

Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan sa Metro Manila kung saan maaaring umulan ng mahina hanggang katamtaman sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Ang naturang bagyo ang pang-anim na pumasok sa bansa ngayong taon.

 

 

vuukle comment

ALVIN PURA

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

BIYERNES

ILOCOS NORTE

LAOAG

LUZON

MAGIGING

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with