PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

SK chairman naghagis ng upos, dinedo

MANILA, Philippines - Kamatayan ang na­ging kapalit sa pagtatapon ng upos ng sigarilyo ng isang chairman ng Sangguniang Kabataan makaraang pagsasaksakin ito ng isang lalaki na aksidenteng tinamaan sa mukha sa bayan ng Bauan, Batangas kamakalawa ng madaling- araw.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang napatay na si SK Chairman Richard Magboo, 17, ng Barangay Gulibay sa nasabing bayan habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Michael Angelo Sideco, 20.

Nabatid na papauwi ang biktima nang maghagis ito ng upos ng sigarilyo kung saan aksidente namang tumama sa natutulog na suspek sa loob ng nakaparadang jeepney.

Naalimpungatan ang suspek matapos na mapaso ng nagbabaga pang upos ng sigarilyo ay kaagad na kinompronta ang biktima na humingi naman ng dispensa sa nagawang pagkakamali.

Dahil sa mas malaki ang katawan ng biktima ay kinuha nito ang naka­tagong patalim sa loob ng jeepney at pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: