Hepe ng PNP Central Visayas sinibak
MANILA, Philippines – Tinanggal sa pwesto ang hepe ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7) at 12 iba pa ngayong Huwebes.
Nagmula mula mismo sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang utos na masibak sina Chief Superintendent Jose Mario Espino at kaniyang mga kasamahan.
Pinagre-report kaagad si Espino sa PRO-10 sa Northern Mindanao.
Nasibak si Espino tatlong araw bago ang taunang Sinulog Festival.
Nakatakdang upuan ni Chief Superintendent Robert Quenery ang nabakanteng pwesto.
Nasangkot si Espino sa pangongolekta umano ng payola mula sa illegal gambling operators.
Nanghihingi umano ang nasibak na hepe ng P500,000 na lingguhang payola.
Pinabulaaanan naman ito ni Espino at aniya’y tsismis lamang.
- Latest