^

Probinsiya

Pambansang Awit inisnab, kelot kalaboso

Pilipino Star Ngayon
Pambansang Awit inisnab, kelot kalaboso

Bayle Einstein F. Gonzales

PAMPANGA, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng 20-anyos na lalaki ma­tapos itong arestuhin dahil hindi tumayo bilang pagbibigay-galang habang pinatutugtog ang Lupang Hinirang sa sinehan sa Angeles City, Pampanga noong Sabado.

Base sa ulat ng Angeles City Police Station, nakatakdang kasuhan ang suspek na si Bayle Einstein F. Gonzales, 20, ng Purok Maligaya, Barangay Abogado sa bayan ng Panique, Tarlac.

Ang suspek ay ini-report at ipinaaresto sa mga awtoridad ni Charge d’ Affaires Elmer Cato na nagkataong nasa loob din ng sinehan kung saan ang bastos na lalaki ay nakaupo sa una­han nito.

Nabatid na si Cato ay hepe ng mission sa Phil. Embassy sa Baghdad, Iraq.

Nabatid na bago pa man magsimula ang palabas na pelikula na “Justice League” ay pinatatayo ni Cato si Gonzales upang magbigay respeto sa pambansang awit na tinutugtog.

Gayunman, hindi nakinig si Gonzales sa ikalawang pagkakataong sinabihan at tuloy pa rin sa pagkain ng popcorn gayong lahat ay tumayo sa pambansang awit kabilang ang ilang dayuhan na nasa loob ng sinehan.

Upang turuan ng lek­syon matapos ang palabas sa sinehan ay agad na humingi ng tulong si Cato sa mga pulis at ipinaaresto ang suspek.

Agad na dinala sa presinto ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Alinsunod sa nasabing batas, ang lahat ay dapat na magbigay-galang at tumayo sa tuwing aawitin o patutugtugin ang pambansang awit na sumisimbolo sa bansa.

Nabatid na tinatayang aabot sa P5,000 hanggang P 20,000 at posibleng makulong ng hanggang isang taon ang sinumang lalabag sa nasabing batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with