Social worker ng simbahan, dinedo
NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang sinasabing social worker ng simbahan habang sugatan naman ang kasamang sakristan makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa Sitio Campo Sinco sa Barangay Danlag, bayan ng Tampacan, South Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si Domingo Edo, habang sugatan naman ang 18-anyos na sakristan na si Ramil Piang. Naitala ang krimen bandang alas-8 ng umaga kung saan patungo sana sa Bong Mal ang mga biktima para sa Bible service sa mga B’laan subalit nakasalubong si kamatayan. Agad umanong nakatakas ang gunmen bago pa dumating sa crime scene ang mga pulis habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest