^

Metro

3 Briton, 35 Pinoy huli sa investment scam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nalambat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Bri­tish nationals at 35 mga  Pinoy ng kompanyang nagbebenta ng pekeng stocks, bonds, debentures at securities sa labas ng bansa, sa ulat kahapon.

Nitong Abril 4, 2017 nang salakayin sa pamamagitan ng search warrant na inis­yu ni Judge Cynthia Marino-Ricablanca ng Fourty Judicial Region, Santa Cruz, Laguna, ang PLUSTEL Solution Inc., na matatagpuan sa 3rd Floor ng no. 88 Bldg., Governors Drive, Brgy. Maduya, Carmona, Cavite.

Inaresto ng mga ahente ng NBI-ang mga suspek na Briton na kinilalang sina Andrew Robson, Graham Allan Bennet at Dominic Whellams, company consultant, Trainor at Information Technology (IT)  expert.

Binitbit din ng International Operations Division (IOD) ng NBI kasama ang mga kinatawan ng Enforcement and Investor Protection Department  ng Securities and Exchange Commission (SEC)  ang nasa 35 mga personnel ng kompanya na naaktuhan sa kanilang online selling ng securities at iba pang produkto tulad nito .

Bukod pa sa 38 na isinalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice kaugnay sa paglabag sa Securities Regulation Code (in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012) at Republic Act 8799 (in rel. to R.A. 10175), iniimbestigahan na rin ang nasa 172 pang mga manggagawa na pawang tauhan bilang data miners, qualifiers at verifiers, na nasa kustodiya ng NBI.

Nakatanggap umano ang NBI ng impormasyon hinggil sa operasyon ng kompanya  kung saan nabiktima na ang ilang katao mula sa engineering, oil , gas at iba pang  manufacturing industries.

Wala umanong permit at lisensiya mula sa SEC ang nasa­bing kompanya bukod sa non-existence ang mga produkto o stocks na kanilang ibinebenta.  

vuukle comment

CYNTHIA MARINO-RICABLANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with