PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Naudlot ang kasal, kahera nag-suicide!

COTABATO CITY, Philippines - Palaisipan pa rin ngayon sa mga awtoridad ang pagbibigti ng isang 28-anyos na dalaga na kahera ng isang pamantasan at nakatakda sanang ikasal sa darating na Abril sa Cotabato City. Patay na nang abutan ng kanyang mga magulang si Mary Anne Abalde, kahera ng St. Benedict College, dakong alas- 6:15 kamakalawa ng gabi sa Block 20, Fr. Buldoc Street, ND Village, Brgy. Rosary Heights 8, nasabing lungsod. Sa ulat, bago ang pagpapakamaty, si Abalde ay nagpapadala na umano ng mga text message sa kanyang mga magulang na tila nagpapaalam. Wala sa kanilang bahay ang mga magulang ni Abalde nang isagawa nito ang pagpapatiwakal. Laking gulat na lamang nila  nang matagpuan ang anak na nakabitin at wala nang buhay sa kusina ng kanilang bahay matapos na magbigti gamit ang nylon rope. Posibleng sobrang depresyon ang dahilan ng pagpapatiwakal ng dalaga na posibleng nag-ugat nang malaman nitong hindi na matutuloy ang kanilang kasal ng nobyo nitong hindi na kinilala sa report.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: