^

Probinsiya

Misis, biyenan dinedo; manugang nag-suicide

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang misis na pulis at tatay nito matapos na pagbabarilin ng mister na pulis bago ito nagpakamatay sa kanilang bahay sa Barangay Nituan, bayan ng Parang sa Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon kay Maguindanao PNP spokesman P/Chief Inspector Reynato Mauricio, kinilala ang mag-asawa na sina PO3 Ariel Macadaan, team leader ng RHPU ARMM; at PO3 Mariles Cuprada Macadaan, finance officer ng nasabing yunit.

Nag-ugat ang krimen dahil lamang sa text message na nabasa ng misis sa cellphone ng kanyang mister bukod pa sa gabi na rin ito nakakauwi.

Nabatid na kahapon pa nag-aaway ang mag-asawang pulis kaugnay sa iba’t ibang isyu hanggang muli itong nagkaroon ng matin­ding pagtatalo na nauwi sa pamamaril.

Tinungo naman ng ama ng babae ang bahay ng mag-asawa upang alamin ang narinig na putok ng baril.

Subalit maging siya ay dalawang ulit na pinutukan at napatay din ng kanyang manugang bago ito nagbaril sa sarili at namatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with