^

Probinsiya

Pasaway na anak, kinatay ng ama!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Animo’y isang sakripisyo ang ginawang pagkatay ng isang 61-anyos na ama sa kanyang anak na binata nang saksakin sa dibdib at tiyan habang nakatihayang natutulog sa isang bangko sa harapan ng kanilang bahay sa Brgy. Pulay, Luna, Isabela kamakalawa ng gabi.?

Ayon kay Sr. Insp. Mario Fajardo, hepe ng Luna Police, sukdulan na ang pasensiya ng suspek na si Robert Guerrero sa pasaway na anak na si Arnolfo Guerrero, 22, na malimit niyang pinapagalitan sa paglaklak kasama ang barkada.?

Sinabi ni Fajardo, habang mahimbing na natutulog ang biktima dakong alas-7:00 ng gabi nang lapitan ng matandang ama at pinuntiryang tuhugin ang puso at bituka nito upang siguruhin ang kanyang kamatayan.?

Isinugod pa ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Dr. Esther Garcia Hospital sa Cauayan City suba­lit idineklarang patay ng mga manggagamot habang sumuko naman sa mga nagrespondeng pulis ang nasabing suspek na ama matapos ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with