^

Police Metro

2 parak-Caloocan kinasuhan sa pagpatay ng 2 tinedyer

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasong murder ang isinampa ng korte sa Department of Justice (DOJ)   laban sa dalawang pulis-Caloocan na sangkot sa pagpatay sa mga binatil­yong sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Batay sa 35 pahinang resolusyon na inihain sa Caloocan Regional Trial Court ay  kinasuhan ng dalawang bilang na kasong murder sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Magugunitang noong Agosto 18, 2017 nang maganap ang pamamas­lang ng mga pulis kay Arnaiz sa C3 Road, Caloocan City matapos isumbong ng taxi driver na si Tomas Bagcal na tinangka siyang holdapin.

Habang si De Guzman naman ay natagpuang patay sa isang creek sa Gapan City, Nueva Ecija noong Setyembre 6, 2017 na tadtad ng saksak sa katawan.

Sina Arnaiz at Kulot ay huling nakitang magkasama noong gabi ng Agosto 17, 2017 at ayon sa taxi driver na si Bagcal ay magkasama pa ang dalawa na sumakay ng kanyang taxi.

Ang dalawa ay kinasuhan din ng planting of evidence na paglabag sa ilalim ng Section 38 ng Republic Act No.10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act  dahil naman sa mga nasamsam na marijuana at shabu mula sa mga batang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with