^

Police Metro

Barilan sa Muntinlupa: 4 patay

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Barilan sa Muntinlupa: 4 patay
Hindi na umabot ng buhay sa ospital sina Jail Officer 1 Felino Salazar at Jail Officer 2 Elmer Ma­libdao, kapwa nakatalaga sa Muntinlupa City Jail.P01 Joven John Lardizabal at ex PO3 Arnel Rubio.
File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  at dalawang pulis sa naganap na barilan kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital sina Jail Officer 1 Felino Salazar at Jail Officer 2 Elmer Ma­libdao, kapwa nakatalaga sa Muntinlupa City Jail.P01 Joven John Lardizabal at ex PO3 Arnel Rubio. Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-8:30 ng umaga sa Brgy. Tunasan ng lungsod ay pauwi na sa kanilang mga bahay sakay ng isang motorsiklo sina JO1 Salazar at JO2 Malibdao mula sa magdamag na pagdu-duty.

Ilang metro pa lang silang nakakalayo nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at agad na pinagbabaril ang dalawang jail guard.

Narinig  ng mga kasamahang jail guard  ang mga putok ng baril kaya’t rumesponde ang mga ito sa insidente at nakita ang dalawang biktima na duguang nakabulagta.

Hinabol ng mga ito ang papatakas na mga suspek at kanilang pinagbabaril at nasapol.

Kaagad na nasawi si Larni Zabal samantalang ang dalawang jail guard at P03 Rubio ay mabilis na dinala sa naturang ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nadakip naman ng rumespondeng mga kagawad ng Muntinlupa City Police  ang person of interest na  si Prison Guard 1 TJ  Tanael, nakatalaga sa Bureau of Corrections (BuCor) na nakatakdang imbestigahan kung may kinalaman ito sa pamamaril sa dalawang jail guard.

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with