^

Police Metro

Mag-ina, apo patay sa amok

Boy S. Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang tatlong miyembro ng pamilya matapos silang salakayin at pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng isang lala­king nag-amok sa Brgy. Iba sa bayan ng Meycauayan, Bulacan, linggo ng gabi.

Nakilala ang mga biktimang sina Dedina Yonson 58-anyos, residente ng Brgy. Iba, anak nitong si Jemalyn Yonson, 34 at anak nitong si April John Yonson, 14, residente naman ng Brgy. Libtong pawang sa bayang ito.

Kusa namang sumuko sa mga kagawad ng barangay ang suspek na si Jimmy Dalama Jr., 30, truck driver at residente ng Imson Apartment sa Brgy. Iba sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Allan Lampano dakong alas 9:00 ng gabi, habang nag-iinuman ang biktimang si Jemalyn at isang alyas “Layan” katabi ng tindahan ng barbeque ng inang si Dedina na kasama ang apo, nang dumating ang suspek upang bumili ng tinitindang barbeque.

Inalok umano ni Layan ng alak ang suspek at nang tumanggi ito ay nauwi sa kumprontasyon at sa huli ay nagkasuntukan ang dalawa.

Matapos na mapa­yapa ang gulo ng dalawa ay umuwi na ang suspek ngunit makaraan ay rumesbak ito na armado ng patalim at hinahanap si Layan.

Nang bigong makita si Layan ay nag-amok ito at saka pinagbuntunan ng galit ang mga biktima na naging dahilan upang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta ng kanilang kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with