^

Police Metro

Kano, tiklo sa panghihipo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Amerikano, matapos manghipo ng hita ng isang babae na kanyang nakatabi sa loob ng sinehan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang Amerikano na si Joseph Martin McMillan, 31-anyos at anim na buwan nang nasa bansa.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-6:00 ng gabi habang nasa loob ng sinehan sa isang kilalang mall sa Bagong Pag-asa ng lungsod ang suspek na lasing umano, katabi ang hindi na pinangalanang biktima kasama ang kanyang mister na nasa kabilang upuan nang hipuin umano ang hita ng babae.

Nagpalit ng upuan ang mag-asawa ngunit isang komosyon ang nagsimula nang bigla na lang umanong suntukin ang mister ng ginang matapos nitong kumprontahin si McMillan.

Dinala si McMillan sa QCPD Station 2 at inilipat sa QCPD headquarters sa Camp Caringal. Habang todo tanggi naman ang Amerikano sa alegasyon na minolestiya niya ang babae at iginiit na hindi siya nakainom ng alak nang mangyari ang insidente.

Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness and physical injuries ang Kano.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with