^

Police Metro

Ginang inutas, lover nag-suicide

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Selos ang naging ugat nang pagpatay ng isang lalaki sa kanyang live-in-partner at pagkatapos ay nagpakamatay rin ito sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili naganap kamakalawa sa Brgy. Lahug, Cebu City.

Nasawi noon din dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Pruana Apole, 48.

Ang suspek na nagpakamatay nang barilin ang sentido ay kinilalang si Jerson Lawas, 28.

Batay sa ulat, bandang alas- 5:15 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng mag-live in partner sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago nangyari ang krimen ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-lover noong Sabado ng gabi dahil sa nagseselos ang lalaki nang makatanggap ng balita na may nanliligaw dito na ibang lalaki.

Pinabulaanan ito ng babae, subalit hindi naniwala ang lalaki kaya’t kumuha ito ng patalim at inatado ng saksak ang live-in.

Nang mapatay ang ginang ay nakonsensiya ang suspek at nilaslas ang sariling pulso at kinuha ang nakatagong baril at ipinutok sa kanyang sentido at namatay sa tabi ng biktima.

Narekober ng SOCO ang isang caliber. 38 pistol sa tabi ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with