^

Police Metro

2 Vietnamese fisherman utas sa Navy

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang mangingisdang Vietnamese ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Navy habang limang kasama nila ang naaresto habang iligal na nangingisda sa West Philippine Sea noong Sabado.

Ayon kay Lt. Col Isagani Nato, information officer ng Northern Luzon Commander, na ang dalawang Vietnamese nationals ay iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng 32 nautical miles ng Bolinao Pangasinan na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Nato, nag?tangka pang tumakas ng nasabing mga mangingisda, subalit hinabol nila ito at pinaputukan sila ng baril.

Dahil dito kaya gumanti umano ng putok ang mga Navy na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang Vietnamese nationals. Habang lima pa nilang kasama ang inaresto at dinala sa Bolinao police station.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kabilang na ang Department of Foreign Affairs (DFA) tungkol sa nasabing insidente at malaman ang pagkakilanlan ng mga naaresto at nasawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with