^

Police Metro

Kian negative sa paraffin test

Gemma Garcia - Pang-masa
Kian negative sa paraffin test

Ito ang naging resulta sa  eksaminasyon sa bangkay ni Kian ng  PNP-Crime Laboratory ang resulta sa pagsusuri sa bangkay ni Kian  na napatay ng mga operatiba ng pulis-Caloocan sa isinagawang anti-illegal drugs noong nakaraang linggo.Edd Gumban, File

MANILA, Philippines - Nagnegatibo sa gunpowder nitrates ang 17-an­yos na si Kian Lloyd Delos Santos na nagnegatibo rin sa isinagawang paraffin test.

Ito ang naging resulta sa  eksaminasyon sa bangkay ni Kian ng  PNP-Crime Laboratory ang resulta sa pagsusuri sa bangkay ni Kian  na napatay ng mga operatiba ng pulis-Caloocan sa isinagawang anti-illegal drugs noong nakaraang linggo.

Ayon kay Dr. Jane Monzon, PNP-Crime lab medico legal officer, lumalabas sa kanilang pagsusuri sa bangkay na nagtamo si Kian ng gunshot wounds sa ulo, sa tenga at sa likod ng tenga at walang anumang tama ng bala sa katawan ang biktima.

Dahil sa walang marka o tattooing sa balat ni Kian ay may indikasyon na malayuan itong binaril pababa na ang layo ay posibleng nasa 60 cm.

Paliwanag naman ni Monzon na na-embalsamo na si Kian nang isailalim nila ito sa otopsiya kaya hindi na rin nila ito nakunan ng urine sample.

Nauna nang inihayag ni PAO forensic consultant Erwin Erfe na sinadya ang pagpatay kay Kian base sa kanilang pagsusuri  dahil lahat ng tama niya ay fatal.

Sa pagsusuri rin ni Erfe lumalabas na dalawa ang gunshot wounds sa ulo at isa sa katawan ng biktima  na lahat ay fatal gunshot wounds na magiging sanhi ng kamatayan ni Kian kahit isa lamang ang tumama na bala.

Nabatid pa na negatibo sa gunpowder nitrates si Kian base pa rin sa lumabas na resulta ng imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with