^

Police Metro

Pulis-Maynila patay sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa
Pulis-Maynila patay sa ambush

Ang bangkay ni PO2 Mark Anthony Peniano ng MPD-HSU nang pagbabarilin kahapon ng umaga ng 6 na kalalakihan sakay ng tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Ayala Boulevard kanto ng San Marcelino Sts., Ermita, Maynila. Edd Gumban

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang pulis-Maynila nang pagbabarilin ng anim na kalalakihan na sakay ng tatlong motorsiklo sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tinamong 20 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si PO2 Mark Anthony Peniano, 34, nakatalaga sa Manila Police District-Headquarters Support Unit at naninirahan sa Pacheco St., Ermita, Maynila.

Nasugatan naman nang tamaan ng ligaw na bala sa hita ang isang bystander na si alyas Alvin.

Batay sa ulat, bago naganap ang ambush dakong alas-7:00 ng umaga sa kanto ng Ayala Blvd., at San Marcelino St., Ermita, Maynila ay minamaneho ng biktima ang kanyang scooter, at angkas ang dalagitang anak na si Mica para ihatid sa pinapasukang Emilio Aguinaldo College nang pagbabarilin.

Nabatid na sa Taft Avenue sana ang ruta ng mag-ama ngunit dahil sa mabigat ang trapiko kaya sa Ayala Boulevard dumaan ang mag-ama nang dikitan ng mga suspek sakay ng tatlong motorsiklo.

Unang binaril ang biktima sa tagiliran at nang bumagsak ang mag-ama ay tumakas ang pulis ngunit pinagbabaril ng mga suspek hanggang sa tuluyang bumulagta at hindi sinaktan ang dalagita.

Nagsitakas ang mga suspek lulan ng mga motorsiklo na hindi nakilala dahil sa suot na mga helmet at face masks. 

Pinag-aaralan na ng pulisya ang footage ng nakakabit na ‘closed circuit television camera’ sa lugar upang makilala ang mga salarin.

Nasa 25 basyo ng bala ng kalibre .45 at .9mm pistols ang narekober sa lugar ng krimen. Anjelica Ibuyan-trainee

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with