^

Police Metro

4 Katao utas sa road mishap sa TPLEX

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinarit ni kamatayan ang apat katao habang lima pa ang nasugatan kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng mabangga ang sinasakyan ng mga itong van ng isang tanker sa kahabaan ng Tplex sa Anao, Tarlac nitong Sabado ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni Sr. Inspector Manolito Handoc, Chief of Police ng Anao naitala ang malagim na sakuna bandang alas-4:30 ng madaling araw sa nasabing lugar habang patungo ang mga biktima sa Baguio City para magbakasyon matapos na i-treat ng kanilang kamag-anak na galing Amerika.

Ayon kay Handoc, tatlo sa mga biktima ay dead-on- the-spot habang isa pa ang binawian naman ng buhay sa pagamutan.

Kinilala ng opisyal ang mga nasawi na sina Marilyn Arellano, 52 anyos, Kimberly Rose Arellano, 17; Cristelle Arellano, 16 at Crissele May Arellano, 15 anyos.

Patuloy namang isinasalba ang buhay sa pagamutan ang lima pang nasugatang biktima kabilang ang dalawang nasa malubhang kalagayan.

Nabatid na magkasunod  na bumabagtas sa Tplex ang tanker na minamaneho ni Remegio Cayanan Jr. sa sinasak­yang van ng mga biktima na sinalpok ng dambuhalang behikulo na umano’y nawalan ng kontrol sa preno ang driver.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon  ang van na nakaladkad pa ng tanker ng ilang metro at natanggal ang bubungan sa insidente na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima. Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng tanker  na nahaharap sa kasong kriminal.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with