^

Police Metro

Encounter: 5 Maute terrorists patay sa MILF fighters

Joy Cantos - Pang-masa
Encounter: 5 Maute terrorists patay sa MILF fighters

Kinumpirma ni MILF Vice Chairman for Military Affairs Von Al Haq ang bakbakan ay nangyari nitong Biyernes ng umaga. Nabatid na nagkrus ang landas ng Maute terror group at ng MILF na nagkukuta sa lugar na nagresulta sa bakbakan ng magkabilang panig.

MANILA, Philippines – Napatay ang limang mi­yembro ng Maute terror group habang isa namang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasugatan matapos na magkasagupa ang dalawang armadong puwersa sa hangganan ng  Lanao del Sur at Maguindanao kamakalawa.

Kinumpirma ni MILF Vice Chairman for Military Affairs Von Al Haq ang bakbakan ay nangyari nitong Biyernes  ng umaga.

 Nabatid na nagkrus ang landas ng Maute terror group at ng MILF na nagkukuta sa lugar na nagresulta sa bakbakan ng magkabilang panig.

 Ang Maute terror group ay target ng opensiba ng militar sa lalawigan ng Lanao del Sur kung saan nasa 63  na sa mga ito ang napapatay habang marami pa ang nasugatan.

 Sa panig naman ni Major Gen. Carlito Galvez Jr., 6th Infantry Division (ID) Commander, ang mga nakasagupang Maute terror group ng MILF ay mga nagsisitakas sa opensiba ng militar sa Butig, Lanao del Sur.

 Nabatid na ang sagupaan ng dalawang pu­wersa ay umabot hanggang kagubatan ng Mt. Cararao, ang teritoryo kung saan sinasanay ng mga dayuhang terorista ang nasabing grupo.

 Ayon pa sa report, isa  naman sa MILF fighters ang nasugatan sa nasabing bakbakan na mabilis na isinugod sa pagamutan.

 Samantalang alinsunod  sa kasunduan ng MILF  sa pamahalaan ay makikipagtulungan ang mga ito laban sa pagsupil sa mga teroristang grupo na magagawi sa kanilang teritoryo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with