^

Police Metro

Opisyal ng barangay itinumba habang nagdya-jogging

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang opisyal ng barangay nang siya ay pagbabarilin ng apat na lalaki habang nagdya-jogging kahapon ng uma­ga sa Sto. Do­mingo Street, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ang biktima na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Rodante Sanchez, 51, Assistant Administrator  ng Brgy. Holy Spirit  ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:52 ng umaga ay nagdya-jogging ang biktima nang lapitan ito ng apat na suspek at walang kaabog-abog na pagbabarilin.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril at isang karatula na may nakasulat na “Pusher Ako, huwag tularan, baka matulad kayo sa akin, kaya mga kasamahan kung pusher lumayas na kayo dito kung mahal pa ninyo ang buhay ninyo”.

Isa sa sinisilip ng otoridad sa motibo ng pamamaslang ay onsehan umano sa bentahan ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with