^

Police Metro

P2-M reward ni Duterte sa bawat ulo ng ‘narco-cop’

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang na ang maliligayang araw ng mga police drug protectors kasunod ng ipinalabas na P2-M reward ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bawat ulo ng mga pulis na sangkot sa droga.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa mensahe nito sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani, bahagi ng kampanya ng gobyerno upang tuluyang mawasak ang apparatus ng illegal drug trade sa bansa.

“I am inclined to place a P2 million per head reward for police members who are protecting drug syndicates,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Aniya, kasama na dito ang mga tinaguriang ninjas sa police force na nagre-recyle ng mga drogang nahuhuli nila at muling ibinebenta.

“We have a drug crisis. Some of our fellow citizens consider just as a police problem. My God, if you are a user, you are also a pusher. I consider the fight against drug, a war,” dagdag pa ng Pangulo.

“My God if your want justice to be done it has to be against everybody. It was Pres. Arroyo then who was so worried about the problem. I would des­troy corruption in the go­vernment. It will be done. Whether they like it or not,” giit pa ni Duterte.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Ro­nald “Bato” dela Rosa sa pamamagitan ng nasabing reward ay mapapabilis na ang paglilinis sa hanay ng mga ‘drug protectors’ na pulis na nagsisilbing batik sa imahe ng PNP.

Ginawa ni dela Rosa ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni Pangulong Duterte sa talumpati nito kahapon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

Aminado naman ang opisyal na sobrang malala at laganap na ang droga sa halos buong panig ng Pilipinas kaya lahat ng paraan upang mawakasan ang nasabing problema ng bansa ay dapat na gawin sa legal na pamamaraan.

Nanawagan naman si dela Rosa sa mamamayan na tumulong sa kampan­ya ng pamahalaan kontra droga at tulungan ang PNP na linisin ang hanay nito laban sa mga scalawags na sinisira ang tiwala ng publiko.

Hinikayat ng PNP Chief ang netizens na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang kanilang mga nalalaman sa mga scalawags na parak na protektor at patong sa illegal drug trade.

“Rest assured any information provided will be kept in strict confidence and shall undergo rugid validation procedures.
The PNP Text Hotline 09178475757 is available 24/7 to receive and process confidential information”, wika pa ng PNP Chief.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with