^

Police Metro

14 Pinay nilamon ng apoy sa hotel

Pang-masa

MANILA, Philippines – Labing-apat na Pinay ang namatay makaraang makulong sa nasunog na Capitol Hotel (4-star) sa Gulan Street, Erbil, northern Iraq noong Biyernes ng gabi, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose, ipinaabot ng mga awtoridad ng Kurdistan sa Phil. Embassy sa Baghdad na 14 na Pinay ang kabilang sa 19-katao na namatay sa naganap na sunog sa nasabing hotel.

Ayon pa sa ulat nagsimula ang apoy sa basement ng nasabing hotel bago kumalat sa spa area.

Samantala, 10 miyembro ng pamatay-sunog ang dinala naman sa ospital dahil sa matinding  pagkalanghap ng usok.

Ayon kay Jose,  kasalukuyan ay bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na pawang namamasukan sa spa massage centre sa nasabing hotel.

“The Embassy is in touch with Kurdistan Regional Government to ascertain the identities of Filipino victims,” pahayag ni Jose sa text messages sa mga reporter.

Sinabi naman ni Saman Barzanji, director general ng Erbil Health Department, 14 sa mga namatay ay mula sa Pilipinas, habang tatlo ay Iraqis, isa ang Palestinian at ang isa naman ay hindi pa matukoy ang nationality.

Kaagad naman magtutungo sa Erbil si Charge d’ Affaires Elmer Cato ng Phil. Embassy sa Baghdad upang makipag-ugnayan sa mga awotidad sa Kur­distan Regional Government para makilala ang mga biktima at maipadala ang kanilang mga labi sa bansa.

“the incident is now under investigation. We would like to extend our deepest sympathy to the families of the victims and will do everything we can to bring them home as soon as possible,” dagdag pa ni Cato.

Magugunita na ipinagbawal ng bansa ang deployment ng mga bagong OFW sa Iraq dahil sa kalagayang pangseguridad subalit karamihang Pinoy ay nagtutngo at namamasukan sa Kurdistan  region dahil stable ang security at good working conditions.

Ayon kay Cato, ang Iraq ay nasa alert level 4 dahil sa  pabagu-bagong kalagayan ng seguridad maliban sa Kurdistan na nasa alert level 1 dahil sa panatag na kalagayan ng seguridad.

Nabatid na karamihang Pinoy sa Kurdistan ay mga inhinyero, nurses, office administrators, staff ng hotel at restaurant at household service workers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with