^

Police Metro

Pagtaga at pagpugot sa ulo, ipinoste sa Facebook... Mga bangkay ng SAF, nagkalat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinuring ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi tao kundi mga barbaro ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na  matapos mapatay ang nasa humigit kumulang na 43 miyembro ng Special Action Force ng PNP ay hinubaran ang mga ito ng damit na kung saan ay inatado nang taga ang mga katawan at pinugutan ng ulo ang nasa 30 SAF na karamihan ay mga opisyal.

Ito ang inihayag ni PNP-Special Action Force Chief P/Director Getulio Napenas, matapos na makarating sa kaalaman nito  na ipinoste pa sa facebook ang video ng brutal na pananaga at pamumugot ng ulo ng separatistang grupo sa ilang nasawing PNP-SAF sa bakbakan sa Mamasapano, Ma­guindanao.

Kumalat na sa facebook ang brutal na pagpatay na ang ilan sa mga biktima ay hinubaran pa ng pantalon ng lawless group na umatake sa mga ito.

Sinasabing binaboy ng MILF ang bangkay ng mga tinadtad ng taga partikular na ang ilang mga opisyal na pinugutan pa ng ulo.

Sinabi ni Napenas, dakong alas-3:00 ng madaling araw kamakalawa nang mag-operate ang nasa 60 miyembro ng SAF upang hulihin ang dalawang Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na sina Zulkipli Bin Hir alyas Marwan, isang Malaysian national na may patong sa ulo na $5M reward at Basit Usman.

Sa kasalukuyan ay nasa 49 bangkay na ang nakukuha sa lugar kabilang ang 6 MILF, habang 11 ang isinugod sa pagamutan at marami pa ang pinaghahanap at patuloy na kinukuha ng pulisya sa tulong ng Philippine Army ang mga nagkalat na bangkay ng SAF sa lugar.

Sa nasabing sagupaan ay napaslang umano ang lider ng Jemaah Islamiyan (JI) terrorist na si Zulkipli Bin Hir alyas Marwan habang nakatakas ang isa pang JI terrorist na si Basir Usman.

Ang nakatakas na si Usman ay isang bomb maker at isang aktibong kasapi ng mga Abu Sayyaf group.

Tatanggap naman ng tig-P 100,000 ang bawat isa sa mga elite forces ng PNP-SAF  na nasawi sa bakbakan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BASIR USMAN

BASIT USMAN

DIRECTOR GETULIO NAPENAS

JEMAAH ISLAMIYAH

JEMAAH ISLAMIYAN

MARWAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

ZULKIPLI BIN HIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with