^

Police Metro

Family driver pumalag sa holdap... P100 palit-buhay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naging mitsa ng buhay ng isang family driver  ang baon na P100 matapos na saksakin  ng mga holdaper nang ito ay pumalag kahapon ng madaling-araw sa Sta.Cruz, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Benedicto dela Cruz, 52, ng no. 1045 Pedro Guevarra St., Sta. Cruz, Manila dahil sa tinamong saksak sa  dibdib, likod, braso at tadyang.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw ay naglalakad ang biktima sa panulukan ng  Fugoso at M. Natividad Sts., para pumasok sa trabaho bilang family driver nang harangin  ng   apat na kalalakihan at inakbayan sabay hingi ng bag nito.

Tumanggi ang biktima  na ibigay ang kanyang gamit sa pagsasabing damit at pagkain lamang ang laman ng kanyang bag.

Nairita pa ang mga suspek nang ayaw ring ibigay ang pera niya na P100 kung kaya’t sinaksak ito.

Ayon sa ka-live in ng biktima na tanging baon lamang na pagkain sa tanghalian ang laman ng bag at P100 pamasahe ang dala ni Dela Cruz.

vuukle comment

AYON

BATAY

BENEDICTO

CRUZ

DELA CRUZ

FUGOSO

MAYNILA

NATIVIDAD STS

PEDRO GUEVARRA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with