^

Police Metro

MILF Commander, anak todas sa resbak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa patuloy umanong clan war o rido ng mga pamilya sa bayan ng Sultan, Borongis, Maguindanao ay nasawi ang isang Commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at anak nitong barangay. chairman matapos na paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Datu Mohamad alyas Commander Batuh ng MILF 106th Base Command at anak nitong si Sadam Mohamad, Chairman ngBrgy.  Tongal.

Pinaniniwalaan namang ang nasa likod ng pamamaril ay  ang grupo ni  Kagi Sajid alyas Commander Saya, isa ring Commander ng MILF National Guard ng 104th Base Command.

Sa ulat ni Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Rodelio Joson, natukoy ang mga suspek base sa pahayag ng mga testigo sa krimen.

 Sa ulat, naganap ang insidente sa Brgy.  Tongal nitong Miyerkules ng bandang alas-12:00 ng tanghali habang pauwi na ang mag-ama sa kanilang bahay nang paulanan ng bala ng mga kalabang mortal mula sa angkan ni Saya.

Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa malalakas na kalibre ng baril na agad nilang ikinasawi.

Sa panig naman ni Col. Dickson Hermoso, Spokesman  ng Army’s 6th Infantry Division  na  nagpadala na ng peacekeeping team ang militar upang mamagitan at mapigilan ang karahasan sa pagitan ng magkalabang angkan.

 

vuukle comment

BASE COMMAND

BRGY

COMMANDER BATUH

COMMANDER SAYA

DATU MOHAMAD

DICKSON HERMOSO

DIRECTOR P

INFANTRY DIVISION

KAGI SAJID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with