^

Police Metro

Jollibee manager inutas ng pulis

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinuntirya ng isang pulis ang ulo ng isang 24-anyos na manager ng Jollibee nang sila ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo kamakalawa sa Pasig City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng isang bala ng M-16 armalite sa ulo na tumagos sa panga ay kinilalang si Irvin Perez, marke­ting manager ng Jollibee sa Antipolo at naninirahan sa Galaxy St., Cielo Homes, Bgy. San Isidro,  Taytay, Rizal.

Ang suspek na sumuko ay kinilalang si PO2 Mark Dorado, 29, naka­talaga sa Rizal Provincial Police, Hilltop, Antipolo City at residente ng  Block 8, Lot 12, Saint Mary St., Metro Villa Subdivision, Barangay Manggahan, ng lungsod.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa mismong bahay ng suspek na pulis ay nagtungo doon ang biktima dahil sa imbitasyon ng isang Renz Michael Coloma para dumalo sa isang Bible sharing.

Nabatid na si Coloma ay kasambahay ni Dorado dahil pinsan nito ang live-in partner ng pulis.

Sa hindi pa mabatid na kadahilanan ay nagkaroon ang dalawa ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa pagtatalo hanggang kinuha ng suspek ang kanyang armalite at binaril nang malapitan sa ulo ang biktima.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MANGGAHAN

CIELO HOMES

GALAXY ST.

IRVIN PEREZ

JOLLIBEE

MARK DORADO

METRO VILLA SUBDIVISION

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with