^

Police Metro

Matapos buntisin... dalaga tinodas ng pinsan na lover

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awa na ginilitan ng isang 19-an­yos na binata ang kanyang 18-anyos na pinsan matapos malaman nito na nabuntis niya ito sa dalawang beses nilang pagtatalik sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima  na namatay noon din dahil sa saksak sa leeg ay kinilalang si Junesa Rusco, estud­yante, residente ng Gate 1, Area H, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ang suspek na agad nadakip ay kinilalang si Romnick Joseph Alon, ng Gate 1, Pier 2, North Harbor, Tondo.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, na ang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi sa playground ng Parola.

Nabatid na bago nangyari ang krimen ay katatapos lamang maghapunan ng biktima kasama ang ama nang yayain siya ng mga pinsan na sina Ronelyn Pecargo at Rosalyn Alon, nakatatandang kapatid ng suspek para magpahangin  sa nabanggit na playground.

Nadaanan ng mga ito ang suspek sa paanan ng Delpan bridge kaya’t  isinama ito upang mag-usap.

Pagdating sa palaruan ay nakiusap ang suspek kina Rosalyn at Ronelyn na iwan sila ng biktima para mag-usap.

Habang nag-uusap aybinantaan ng biktima ang pinsan na papatayin siya ng kanyang ama na tiyuhin nito kapag nalaman ang kanilang relasyon at ang pagbubuntis nito.

Nagdilim ang pag-iisip ng suspek at agad tinarakan sa leeg ang biktima na hindi kalayuan sa nakatalikod na dalawang kasama na agad niyaya nito na umalis sa lugar pagkatapos ang krimen.

Isang babae na nagla­lakad ang nakadiskubre sa bangkay ng biktima kaya’t humingi ng tulong sa mga barangay na rumes­ponde sa lugar.

Nakita ng isang Ian de Castro, barangay se­cretary ang ginawang paghuhubad ng suspek sa duguang t-shirt at itinapon sa compound ng  San Miguel Bottling Corporation, hindi kalayuan sa lugar.

Narekober ng mga pulis ang nasabing t-shirt na natuklasang doon ibinalot ang kutsilyo na ginamit sa krimen.

vuukle comment

AREA H

JUNESA RUSCO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MIGUEL BOTTLING CORPORATION

NORTH HARBOR

PAROLA COMPOUND

RICHARD ESCARLAN

ROMNICK JOSEPH ALON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with