^

PM Sports

San Beda bubuksan ang title defense sa football

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sisimulan  ng  back-to-back champion na San Beda College ang ka­­nilang title retention bid sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa pagbubukas ng NCAA Season  93 foot­ball competition sa  Ri­zal Memorial track and football Stadium sa Biyernes.

Target ng Red Boo­ters na makopo ang ika-22 titulo sa liga upang ma­­kakalas sa pagkaka­tab­la nila ng dating mi­yembrong La Salle Green Booters bilang most winningest squad sa seniors’ division.

Magsasagupa ang San Beda at ang EAC sa alas-2 ng hapon.

Nagdomina sa naka­li­pas na dalawang dekada sa NCAA  football ang San Beda matapos ma­panalunan ang 14 sa hu­ling 16 na korona.

Nabigo lamang silang maghari noong 20­09 at 2015 nang magwa­gi ang St. Benilde at  Arellano University, ayon sa pagkakasunod.

Sa iba pang mga laro sa opening day, magtutuos ang St. Benilde at Mapua sa ikalawang laban sa alas-4 ng ha­pon na susundan ng bak­ba­kan ng  Arellano at Per­petual Help sa alas-6 ng gabi.

“It’s going to be an ex­citing football season, that’s for sure,” wika ni Arellano athletic director  Peter Cayco, ang chair­man ng event organizing committee.

Ipagtatangol din ng San Beda ang kanilang juniors crown na sisi­mulan nila sa pagsagu­pa sa Perpetual Help sa Nobyembre 27.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with