^

PM Sports

Raymar Jose shoot na sa Blackwater

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumirma na rin ng kontrata ang third pick na si Raymar Jose sa Blackwater matapos ang mahabang negosasyon.

Si Jose ay pumirma ng maximum contract na maaaring makuha ng isang rookie tulad ng nakuha nina No. 2 pick Kiefer Ravena, No. 4 Jason Perkins at No. 5 Jeron Teng.

Ang kontrata ay P8.55-million three-year ma-ximum contracts.

Tatanggap ang dating pambato ng Far Eastern University na naging MVP sa PBA D-League na siyang dahilan para hugutin ito ni Gilas coach Chot Reyes sa national team, ng P150,000 kada-buwang suweldo sa darating na PBA season at P225,000 ang makukuha niya sa 2018-19 at P337,500 sa 2019-20.

Inaasahang pipirma rin si Gwyne Capacio sa Star kung saan naglaro ang kanyang amang si Glenn.

Samantala, inaasahang mabibinbin ang mga plano at proposals ng PBA dahil posibleng hindi magkaroon ng quorum para ma-tuloy ang planning session sa Los Angeles  bukas.

Posible ring matagal pa ang pagsasalin ng league chairmanship mula kay  Mikee Romero ng GlobalPort papunta kay  Ramoncito Fernandez ng dahil hindi pa si-gurado kung dadating ang incoming chairman.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with