^

PM Sports

Gilas haharap sa Malaysia

Francisco Cagape - Pang-masa

KUALA LUMPUR – Tangka ng Gilas Pilipinas ang malaking panalo sa karibal na Malaysia sa pagpapatuloy ng men’s basketball competition ng 29th Southeast Asian Games sa MABA Stadium dito.

Kumbinsidong panalo ang hangad ng Gilas sa kanilang alas-6:00 ng gabi ang laban upang parisan ang 81-74 panalo kontra sa Thailand sa kanilang opening game.

Inaasahang mananalo rin ang Gilas sa kanilang laban kontra sa Myanmar kagabi na nilalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.

Muling sasandalan ni Gilas Pilipinas coach Jong Uichico sina Filipino-German Christian Standhardinger, Ray Parks at Kiefer Ravena kasama sina Kobe Paras, Kevin Ferrer at Troy Rosario.

Nagposte naman ang Perlas Pilipinas ng impresibong 123-33 panalo kontra sa Myanmar kahapon na pambawi sa kanilang 68-78 pagkatalo sa Indonesia.

Haharapin ng Pinay cagers ang Thailand nga-yong alas-8:15 ng gabi.

Umaasa silang mata-talo ang Indonesians sa laban kontra sa Thailand at Malaysia para manguna sa preliminaries.

Kailangang manalo ng Perlas sa mapanganib na Thailand ngayong alas-6:00 ng gabi at ang Malaysians bukas ng alas-11:15 ng umaga.

“They’ve yet to play one another. Thailand and Malaysia are also tough. If Indonesia loses to both the Thais and the hosts, then we’ll be back in contention (for the gold),” sabi ni Perlas Pilipinas coach Patrick Aquino. “Of course, we have to beat Thailand and Malaysia, and the rest of our games.”

Ang Malaysia ang pumigil ng dominasyon ng Pinas sa men’s basketball nang makopo nila ang titulo noong 1989 at inaasahang bibigyan din sila ng mabigat na hamon ng host team.

Ngunit sinabi ni  Gilas coach Jong Uichico na handa sila sa anumang pagsubok.

“We saw during our game against Thailand that this tournament is no longer the same as before,” sabi ni Uichico. “We have to do some adjustments if we want to win convincingly over the Malaysians.”

Philippines 123 – Castro 21, Dy 16, Resultay 16, Bernardino 15, Pontejos 12, Animan 10, Lim 9, Almazan 8, Sambile 6, Tongoc 4, Abaca 4, Cabinbin 2.

Myanmar 33 – Htwe 8, Yu 8, Aung 7, Soe 6, Lin 4, Moe 0, Zin 0, Aung 0.

Quarterscores: 33-8, 64-14, 86-19, 123-33.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with