^

PM Sports

NCAA games nakansela

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sanhi ng masamang panahon kahapon, nagpasiya ang pamunuan ng NCAA na ipagpa-liban ang mga nakatakdang laro nila kahapon para sa basketball tournament.

Ginawa ni NCAA management committee chairman  Fr. Glynn Ortega, OAR ng season host San Sebastian College ang anunsiyo kasunod ng pagdideklara ng suspensyon  ng klase sa lahat ng level ng ilang mga siyudad sa buong Kamaynilaan.

“Due to bad weather and suspension of classes, the NCAA games today, July 27, are cancelled,” ayon sa statement ni Ortega.

Idaraos sana kahapon ng liga ang kanilang ikatlong laro na bahagi ng  NCAA on Tour sa  San Sebastian College gym sa Recto na orihinal na  itinakda sa San Sebastian -Cavite, kung saan makakalaban nila ang Jose Rizal University.

Ang bagyong Gorio ang naging dahilan ng malalakas at pabugso-bugsong pag-ulan na nagresulta ng mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Pagpupulungan pa ng NCAA kung kailan  iri-reschedule ang mga na-postponed na laro sa pagitan ng juniors at seniors  squads ng Stags at Heavy Bombers.

Samantala, kung magiging maayos ang lagay ng panahon sa araw na ito,  magpapatuloy ang aksiyon sa liga sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with