Philcycling election sa December 3
MANILA, Philippines – Magdaraos ang Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycing) ng kanilang eleksyon sa Disyembre 3 sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Avenue sa Pasay City.
Magsisimula ang eleksyon, ginaganap tuwing apat na taon matapos ang Olympic Games, sa alas-10 ng umaga.
Hinikayat nina PhilCycling President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at Secretary General Atty. Avelino “Billy” Sumagui ang mga affiliated clubs na dumalo sa general assembly na siyang maghihirang sa 15 miyembro ng PhilCycling board.
Ang bawat regular o affiliated member ay nagdadala ng isang boto.
Ang voting representative ay dapat isang vice president o kasing taas ng posisyon nito sa kanilang affiliated club.
Ang isang written authority mula sa club president ay kinakailangan at dapat ding makakuha ang club ng Certificate of Good Standing mula sa PhilCycling.
Ang deadline para sa mga clubs na gustong ayusin ang kanilang membership ay sa Nobyembre 3.
- Latest