^

Para Malibang

OFW Ginagawang ATM ng Inaanak

BUHAY OFW - Pang-masa

Nakalulungkot na tuwing Pasko lang naaalala ang mga ninong at ninang lalo na ang mga overseas Filipino workers. Dahil high tech na ngayon na isang click lang sa social media gaya ng Facebook ay puwede nang mag-message kahit sa mga OFW na ninong at ninang.

Walang masama kung mag-message ang mga inaanak na paalalahanan ang mga ninong at ninang na OFW para sa kanilang regalo. Pero ang nakalulungkot na ikinadidismaya ng mga OFW ay ang paniningil sa kanila ng mga inaanak. Sa malas ay may mga inaanak na walang pasing tabi na nagre-request pa ng kung anu-anong  regalo na nagkataon na sobrang mamahal na hinihinging pamasko. Halos lahat ng mga OFW ay iisa ang sagot na ginagawa silang ATM ng mga inaanak para lang makahingi ng regalo. Ipaalala sana ng mga magulang na gabayan din ang mga anak na maghintay bigyan ng regalo. Hindi iyong demanding pa kung manghingi kahit ba sabihing OFW ang mga godparents.

Hindi naman nagdadamot ang mga OFW. Pero dapat ipaalala sa mga inaanak na ang mga ninang at ninong ay tumatayong pangalawang magulang upang gabayan ang mga bata. Pero hindi sa puntong ginagatasan na ang mga OFW na sinasamantala ang kanilang katayuan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with