^

Para Malibang

Galit ng Anak sa Mundo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Maraming magulang na nag-aakala na ang galit ng bata ay mali, bad, hindi normal, na ang expression nito ay dapat pigilin. Ang ganitong  kaisipan ay malaking panganib sa anak. Ang parents ay binigyan ng instruction ng Bible na i-train ang mga anak habang sila ay lumalaki at  i-educate ayon sa requirement ng buhay. Ang isang importanteng area ng anak lalo na ng teenager ay kung paano i-handle ang galit.

Ang nararamdamang galit ay hindi masama at hindi rin mabuti kung tutuusin. Pero bilang tao normal lang ang bawat isa na magalit. Ang problema kapag hindi na-manage ang galit lalong lumalala ang sitwasyon.

Ganundin ang bata na kalimitan ay hindi  hinahayaan  na i-express ang galit openly, ang tendency ay napipilitan ang bata na ihayag ang sarili sa hindi healthy na paraan. Kaya sila natutong manigaw, magdabog, maging bayolente,  at  poor ang performance sa school. Dahil hindi rin nila malapitan ang magulang na nagre-react agad na nauuna pang magwala kaysa sa mga anak. So pinipilit na lang ng  anak na hindi madis-maya o magalit ang magulang. Hanggang habitually ay nagiging negatibo ang anak, anti-social, anti-authority ang attitude, at parang laging galit sa mundo.

Ang pinakamagandang ituro sa anak na ihayag ang galit ng pleasantly at rationally hanggang maaari sa tao o sitwasyon na pinaghuhugutan nila ng matinding emosyon.  Turuan ang anak na resolbahin ang isyu sa maayos  patas,  at payapang paraan na magsisimula ang magandang example mula sa magulang kung paano rin nila i-handle ang kanilang emosyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with