^

Para Malibang

Ano’ng mas masarap kayakap, payat o mataba?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

Siyempre ‘yung mataba at malaman para feeling mo nakayakap ka sa unan. Hehe. Maganda naman talagang tingnan ang sexy at payat, pero kung kayakap na ang usapan mas pipiliin ko ‘yung mataba. Mas masarap naman kasi talagang kayakap ang mataba kesa sa walang laman. –Arnold, Bulacan

Kahit noon pa man nakatatak na sa isip ko na hindi magiging maganda ang mataba o malusog. Nasa pamilya ko ang pagka-atleta kaya walang mataba sa amin. Kahit mga babae sa pamilya ko bato-bato ang katawan. Kaya nasanay na ako sa ganitong uri ng katawan. Hindi naman sa talagang ayaw ko sa mga taong matataba, pero mas gusto kong kayakap ang payat. – Biboy, Cavite

Kung ako ang tatanuning, wala akong tinitingnan na laki o liit ng katawan. Mas gusto kong kayakap siyempre ‘yung taong mahal ko at mahal ako. Kesyo buto’t balat pa siya o sinlaki nga ng sinasabi ng iba na dabyana ay wala akong pakialam. Mas masarap kayakap kapag may pakiramdam at mutual ‘yun sa inyong dalawa. – Greggy, Cebu

Nakakatawang isipin na mas gusto kong ka­yakap ang malaman o mataba. Mas may mayayakap ka kasi sa malaman, kung payat eh matigas at para ka lang yumayakap sa poste. Hahaha. Pero sana okay lang sa kayakap ko na bato-bato ang katawan ko. Adik kasi ako sa gym. Parang weird na lang kung magkasama kami. Kaso ako mamasel pero ang kasama ko mataba. Hahaha – Niko, Palawan

Mas gusto ko payat kasi mataba na ako. Baka ‘pag pareho kaming mataba hindi na kami magkayakapan kasi hindi na maabot ang likod ng isa’t isa. At least kung ako lang ang mataba, maya­yakap ko siya nang malaki. Mas masarap naman kasi na mayakap nang buo ang isang tao kesa kung hindi mo maibabalot ang mga kamay mo sa kanya. – Alfred, Ilocos Sur

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with