Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dishwashing Liquid Sagot sa Baradong Inidoro

Hindi maiiwasan na magkaroon ng bara sa inidoro kahit pa ano’ng  buhos na ang gawin dito. Maraming sanhi ng pagkakabara ng inidoro, isa na ang pagtatapon ng tissue o kung anumang bagay sa toilet bowl. Minsan sa sobrang dami ng dumi ay bumabara rin ito. Kaya naman naimbento ang pangbomba sa kubeta (plunger) na pinakaunang pangtanggal ng bara. Pero paano kung wala kayo nito sa bahay o kaya ay hindi gumagana ang pang­bomba?

Magugulat kayo na ang solusyon lamang dito ay dishwashing liquid. Magbuhos lamang ng dishwashing liquid sa inidoro at iwan ito ng 30 minuto. Sa ganitong paraan magkakaroon ng sapat na oras para bumaba ang dishwashing liquid hanggang sa maaabot nito. Ang sabon ay magsisilbing lubricant para sa mga nakabara sa inidoro. Makalipas ang 30 minuto mas madali nang maipa-flush ang bara.

Ito po ang inyong Kum­punerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: