^

Para Malibang

Pangalawang Anino (181)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HALOS maubos na ang mga bala ng mga pulis.

Si Yawan ay nakangisi pa rin, humahalakhak, nakatayo at buhay na buhay.

“Sir, bumabaon lang kaya ang mga bala sa kanyang katawan?” Tarantang tanong ng isang pulis sa kanilang hepe.

“Malamang pero hindi niya iniinda!”

“Sugurin na lang kaya natin, Sir?”

Tinitigan sila ni Yawan. “Bilisan n’yo na bago ko kayo gawing tostadong pulis!”

At sumirit ang mga apoy sa dalawang mata ni Yawan.

Agad nagliyab ang mga pulis at hepe.

Nakakapangilabot na sigawan ng mga alagad ng batas.

At sina Arturo at Nanette ay walang magawa.

Hinila na ni Nanette si Arturo. “Halika na, Arturo. Siguradong tayo ang isusunod ni Yawan!”

“Lalaban ako, Nanette! Pinatay niya si Itay!”

“Huwag ngayon! Hindi dito! At hindi ikaw ang lalaban sa kanya, Arturo! Halika na! Saka ko na ipaliliwanag sa ‘yo! Utang na loob, sumunod ka na sa akin! Tumakbo na tayo!”  Walang nagawa si Arturo kundi sumunod sa ipinakiusap ni Nanette. Tumakbo sila.

Pinagtatawanan sila ni Yawan. “Sige lang! Patatakbuhin ko lang kayo ngayon! Hahayaan ko kayong tumakas!” Lumapit si Yawanaya kay Yawan.

“Yawan, di ba mas malaki ang atraso sa ‘yo ng dalawang ‘yon? Bakit mo sila pinatakas?”

“Unti-unti lang ang paglalaro, Yawanaya. Hindi sabay-sabay. Kundi mauubusan ako ng games.”

“Panay ingles mo, level-up ka na talaga, Yawan!”

“Ikaw din! Pero kulang na kulang pa ang kapangyarihan ko, Yawanaya! Hindi pa masasabing level-up nang masyado!”

“Dahil hindi mo pa kayang sunugin ang kumbento at simbahan?”

“At ang una kong anino ay nasa kalaban pa rin. Matutuwa lang ako kapag naabo ko na ang mga sagradong tahanan ng Diyos nila! At mababawi ko ang una kong anino at magiging tulad mo siya na alagad at magsisilbi sa akin!”

“Okey lang na wala si Angela, ayokong may karibal ako! Mas happy ako kung tayong dalawa lang, Yawan!”  Itutuloy

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with