^

Para Malibang

Power ng Baking Soda

KUMPUNERONG KUYA - RCL - Pang-masa

Kilala ang baking soda sa napakaraming gamit nito sa panlinis.

Isa na rito ang pantanggal ng amoy sa ulam na nanikit sa mga plastic container. Ang kailangan lang gawin ay budburan ng baking soda ang isang malinis na sponge at ito ang gamitin na pamunas sa container. Kung mahirap tanggalin ang mantsa at dumi, ibabad ang container sa 1/4 tasa ng mainit na tubig at 4 na kutsara ng baking soda.

Kung mabahong ref­rigerator naman ang problema n’yo, may ibinebentang baking soda fridge packs para matanggal ang amoy at hindi mahawa ang pagkaing ilalagay dito.

Maaari rin panlinis ng gulay at prutas ang baking soda. Maghalo lang ng baking soda at tubig at ito ang ipanlinis sa prutas at gulay.

Pwede rin gamitin ang baking soda para pantanggal ng amoy ng aso sa kama. Budburan lang ng baking soda ang dog bet at maghintay ng  15 minuto bago i-vacuum.

Ito po ang inyong Kum­punerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with