^

Para Malibang

Nililigawan ni Prof

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago nyo na lang po ako sa alyas Niki, 19, college student. May nanliligaw po sa akin na professor ko sa P. E. Kung titingnan, hindi siya mukhang teacher at para ring estudyante. He is so humble and kind at ang tawag sa kanya ng mga estudyante sa labas ng klase ay first name lang. Pero may nabalitaan ako na may asawa na siya. Hindi niya ito sinasabi sa akin. Hindi ko pa naman siya sinasagot pero close na kami. Madalas ka­ming kumain sa labas pero friendly date lang. Nang tanungin ko siya kung totoo ang tsismis, natigilan siya. Sabi niya nag-abroad na ang kanyang asawa at wala na sila. Nag-iisip ako ngayon. Dapat ko ba siyang tanggapin?

Dear Niki,

Huwag kang padalus-dalos. Saan mang anggulo tingnan, may asawa pa rin siya na puwedeng maghabol. Mag-imbestiga ka muna sa tunay niyang pagkatao. Marahil puwede mo siyang tanggapin kung annulled o napawalang bisa na ang kasal niya sa kanyang asawa. At kung makipag-divorce man ang babae sa abroad, hindi iyan kinikilala sa batas natin. Mahirap makipagrelasyon sa may asawa o hiwalay sa asawa dahil may mga hindi inaasahang conflicts na bigla na lang susulpot. Bata ka pa kaya marami ka pang time para mag-isip-isip. Mabuting pag-aaral muna ang iyong pagtuunan ng pansin.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ASAWA

BATA

DAPAT

DEAR NIKI

DEAR VANEZZA

HUWAG

ITAGO

MABUTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with