^

Para Malibang

Nakulong nang dahil sa pagtatanggol sa gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Ogie, 35 years old. Dati akong bi­lang­go at may 3 taon pa lang nakakalaya. Teenager ako nun. Nagsimula ang aking kalbaryo ng dumalo po ako sa isang party at nagkaroon ng kaunting patatalo na nauwi sa gulo. Sangkot sa gulo ang a­king gf. Mahal na mahal ko siya kaya idinepensa ko siya. Pero nakapatay ako ng tao. Nakulong po ako. Hindi naging madali para sa akin ang mag-adjust sa bago kong kapaligiran. Pero kailangan kong tanggapin ang pagkakakulong ko dahil sa sobrang pagmamahal sa gf ko. Kay lungkot ng aking buhay. Ang ka­li­gayahan ko lang ay tuwing binibisita ako ng aking gf. Hanggang sa naramdaman kong parang nan­lalamig na siya sa akin. Sa muling pagbisita niya sa akin, sinabi niya na kalimutan ko na raw si­ya dahil may kapalit na raw ako sa puso niya. Umi­yak ako pero wala akong magawa. Sa loob ng mahabang panahon ay pinipilit ko siyang alisin sa aking isipan pero tumututol ang puso ko. Hanggang sa makalaya ako ay umaasa pa rin akong babalikan niya. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya, Dapat pa ba akong maghintay?

Dear Ogie,

Tama na ang maraming panahon na ipinagdusa mo dahil sa kanya, Limutin mo na siya at magsimula ka ng panibagong buhay. Huwag mo ng hintayin pa ang kanyang pagbabalik dahil minsan na niyang pinatunayan na hindi ka niya mahal. Hindi niya pinahalagahan ang ginawa mong pagpapasakit ng makulong ka dahil sa pagtatanggol sa kanya. Ang pag-ibig ay isang sugal. Sumugal ka sa isang babaeng ang pag-ibig ay mahina at natalo ka. Maging lek­siyon sa’yo na huwag pa­da­dala agad sa init ng ulo at sa paghahangad mong magpasiklab sa iyong nobya. Hindi pa rin huli para ibaling sa iba ang iyong pag-ibig. Makakatagpo ka rin ng babaeng mamahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

AKO

DAPAT

DATI

DEAR OGIE

DEAR VANEZZA

HANGGANG

HUWAG

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with