^

Pang Movies

Juday at Angelica naiba ang ginawa!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Juday at Angelica naiba ang ginawa!

Napuno ng malakas na tawanan ang Platinum Cinema ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City sa special press screening ng Ang Dalawang Mrs. Reyes last Wednesday. ‘Yun kasi ang opening day ng drama-comedy nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban at dinirek ni Jun Robles Lana for Star Cinema, Quantum Films at The Idea First Company.

Opening pa lamang kasi ng movie, laugh trip na agad si Juday as Lianne na isang cosmetic doctor.  Asawa niya si Joross Gamboa as Gary Reyes at may anak sila played by Andrea Brillantes. Beshie naman ni Lianne si Cindy (Angelica Panganiban) at asawa nito si Felix Reyes (JC de Vera).  Parehong magugulat ang dalawa na ang ipinagmamalaki nilang mga husband ay may iba pang gusto, at lalo silang shocked nang sina Gary at Felix pala ang magka-gay relationship.

So, mai-imagine mo na kung ano ang maaaring mangyari, lalo na nang sundan nila sa Taiwan ang dalawa na nag-attend ng gay parade.  Pero mas na-shocked sila nang malaman kung ano talaga ang gagawin ng dalawa roon.

Hindi naman puro comedy ang mga eksena dahil lalabas din ang tunay na pagka-dramatic actress ng dalawa later on, nang ma-realize nilang may nasaktan din sila, specially si Lianne dahil nga may anak sila ni Gary. Napakahusay din ni Joross sa role niya na hindi gay kundi isa raw siyang babae talaga, ganun din sa suporta ni JC.

Ang movie ay binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at R-13 classification from the MTRCB. Now showing in cinemas nationwide. Ayon kay Direk Perci Intalan, wala si Direk Jun dahil may inaasikaso pa raw, magkakaroon sila ng international screening, sa Taiwan, Europe at USA.

Rafael patapos na ang kontrata sa GMA

Bago kami pumunta sa screening ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, bumisita muna kami sa set ng Impostora na ilang taping days na lamang si Direk Gina Alajar, babu na sila sa afternoon prime slot. 

Si Rafael Rosell as Homer, ang tinanong namin kung siya ang masusunod, dahil ang laki-laki na ng hirap niya dahil sa asawang si Rosette at sa tunay niyang mahal na si Nimfa na ginagampanan ni Kris Bernal, ano ang gusto niyang maging finale ng kanilang serye na eight months na ring napapanood sa GMA 7?

“Kung ako po, mas gusto ko ang twist na lahat ng mga nangyari sa akin, sa aking pamilya, ay kagagawang lahat ni Ate Trina (Assunta de Rossi) na sa simula pa lamang ay nakikialam na sa buhay namin ni Rosette, hanggang sa dumating si Nimfa,” nangingiting sagot ni Rafael.  “Pero ngayon pa lamang gusto ko nang magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa aming serye. Para sa akin po ay napakaganda ng naging journey ko sa 2017, the best time of my career dahil sa Impostora.”

Wala pa raw siyang alam na susunod na project, pero sana raw may isa pa siyang gawin bago mag-end ang exclusive contract niya sa August, 2018. Ayon sa aktor ay mananatili pa rin daw siyang Kapuso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with