Sofia ayaw tigilan ang pakikipag-bonding kay Sylvia!
Overwhelmed pa rin si Sofia Andres dahil sa pakikipagtrabaho niya sa award-winning actress na si Sylvia Sanchez.
Sobrang mabait at mapagmahal na ina si Sylvia sa set ng shooting kaya ganun na lang ang tuwa ni Sofia nang nakatrabaho niya ito.
“Noong una, intimidated po ako. But sobrang bait niya kaya naging comfortable agad ako sa kanya.
“Para siya talagang nanay sa set na very caring sa akin at sa iba pang co-stars namin.
“Naging very close kami at isinama pa niya ako when she and her family went on a trip to Singapore.
“We’re both excited to share this wonderful heartwarming film about the relationship between a mother and a daughter.
“If you feel that everything is falling apart and when everyone else leaves, it will show that our mother remains to support us always,” sey ni Sofia.
Sa next movie raw sana ni Sofia, gusto niyang si Sylvia ang muling makasama para tuloy ang bonding nilang mag-ina.
Boses ni Mikee bumagay sa aso
Hindi lang pala ang fantasy series ng GMA 7 na Sirkus ang kinabibilangan ni Mikee Quintos. Kasama rin siya sa Sherlock Jr. bilang boses ng aso na si Serena.
“Nagustuhan daw po nila ang pagka-jologs ng boses ko! Bagay daw kay Serena!” malakas na tawa pa ni Mikee.
“Natuwa naman ako kasi, at least puro voice lang ang gagawin ko for Sherlock Jr. Unlike sa Sirkus na ang taping namin ay sa bundok ng Rizal.”
Para sa role niya as Mia sa Sirkus, nag-audition pa si Mikee at ang kaibigan niyang si Kate Valdez ang isa sa pagpipilian para sa role na Mia.
“Mas malapit daw ang hitsura ko kay Mikoy (Morales) kesa kay Kate. Mas mukha raw kaming kambal ni Mikoy.
“Pero no hard feelings between sa amin ni Kate dahil we both auditioned and very good friends kami talaga. Sinabi naman niya na she’s happy for me getting the role sa Sirkus,” pagtapos pa ni Mikee
Hollywood actor na si George Clooney, $1-m ang bayad kada episode ng show
Magbabalik sa paggawa ng TV series ang Hollywood actor/producer na si George Clooney via Catch 22.
More than 20 years na since iniwan ni Clooney ang pag-arte sa TV. Sumikat si George sa medical series na ER noong early ‘90s. Iniwan niya ang series noong 1999 nung maging big Hollywood leading man siya.
Limited series lang ang Catch 22 with six episodes.
The show is an adaptation of Joseph Heller’s 1961 novel of the same name, which centers on a squadron of World War II airmen facing a no-win situation to return home.
Makakatanggap ng $1 million per episode ang 56-year old na si Clooney.
Aminado si Clooney na di pa rin nakakalimutan ng marami ang pagganap niya bilang Dr. Doug Ross sa series na ER.
Huli siyang tumapak sa set ng ER ay noong mag-cameo appearance siya noong 2009 sa final season ng show.
- Latest