^

Pang Movies

Andrea hindi na nangimi sa pagpapakita ng katawan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pasabog ang sexy calendar shoot ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Kinunan kamakailan ang photoshoot ni Andrea at ang tema nito ay ang pagiging fit and sexy niya.

“Kilala naman ako ng tao na lagi akong nagpapa-sexy. Ang dami ko nang shoots na ganyan. Pero this time mas naha-highlight ‘yung pagiging strong ko.

“At nakikita naman nila. Very open ako na nagmu-Muay Thai ako, nagpa-Power Lifting ako,” diin pa ni Andrea.

Ipinakita rin ni Andrea ang kanyang abs na siyang nasilayan ng marami noong rumampa ito para sa Bench Body fashion show na Under The Stars.

Marami tuloy ang nagtatanong kay Andrea kung paano ba maa-achieve ang kanyang katawan.

Heto ang payo niya: “Kung mapapanindigan mo ang isang exercise, isang diet or anything, kapag talagang napi-feel mo sa loob mo na gusto mo siyang gawin, and ‘yun kailangan talaga ‘yung discipline, eh.”

Happy rin si Andrea dahil kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ang pelikulang Meant To Beh kung saan bida sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

“Masaya kami na nakasama sa MMFF ang movie namin.

“Kailan lang nag-shoot kami sa Baguio for three days. Sobra ang bonding naming lahat doon.

“Tsaka sina Bossing Vic at Dawn, normally, mais-starstruck ako sa kanila, pero parang kasing-edad lang namin sila dahil sumasabay sila sa mga biruan namin.

“Masaya ang movie namin. For the whole family kaya abangan nila ‘yan sa December 25,” pagtapos pa ni Andrea.

Carmina, perfect ang tingin sa buhay

Dahil kambal din ang mga anak ni Carmina Villarroel kaya kahit paano ay nakaka-relate siya sa role na ibinigay sa kanya sa GMA primetime teleserye na Kambal, Karibal.

Sa bawa’t role naman daw na gawin ni Mina ay ibinibigay niya ang 100 percent na performance, lalo pagdating sa mga iyakan na eksena.

“Ever since naman ang atake ko sa mga roles ko, dinadama ko ‘yung mga role ko.

“So, ‘yan, ‘yung buong pilot week ata wala na akong ginawa kung hindi umiyak nang umiyak,” tawa pa niya.

Nagtataka nga rin si Mina kung saan siya humuhugot para sa crying scenes niya dahil masaya naman daw ang buhay niya ngayon.

“Siguro kasi hindi ko kasi kaya na humuhugot ako from my personal experience kasi nga ang saya-saya ko.

“So, parang, ano pa ba’ng puwede kong panghugutan? I’m not saying my life is perfect pero wala namang kaiyak-iyak.

“So, nung mga first few taping days parang ‘ano na nga ba ulit,’ kasi syempre hindi ko pa kilala ‘yung character ko.

“Pero after a while, ayun na nga, parang nadama ko na ‘yung character ko.

“Siguro madali rin para sa akin kasi nanay eh, may mga anak, namatayan ng anak na kambal pa. 

“Binubuhay ko na lang sa sarili ko ‘yung character ko para makahugot ako ng bonggang-bongga,” pagtapos pa ni Carmina Villarroel.

American TV icons na sina Della Reese at David Cassidy magkasunod namatay

Dalawang icons of American television and music ang sumakabilang-buhay kamakailan.

Una rito ay ang American jazz singer, gospel singer at bida ng TV series na Touched By An Angel na si Della Reese.

Pangalawa ay ang pop idol ng ‘70s at isa sa cast ng series na The Patridge Family na si David Cassidy.

Pumanaw si Della Reese (Delloreese Patricia Early in real life) noong nakaraang November 19 sa kanyang bahay sa Los Angeles, California.

Walang naging report sa cause of death ng singer-actress.

Si David Cassidy naman ay pumanaw noong November 21 sanhi ng multiple organ failure sa isang ospital sa Florida.

Si David ang Justin Bieber noong ‘70s dahil sa kanyang popularity bilang isang singer at aktor.

Na-comatose siya for two days at hindi na siya naka-recover pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with