^

Pang Movies

James at Nadine tadtad ng tattoo sa unang movie

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
James at Nadine tadtad ng tattoo sa unang movie

James Reid at Nadine Lustre

Palakpakan ang fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil nagsimula na silang gumawa ng bagong movie nila na first shooting kahapon. Inatasan ng Viva Films ang mahusay na director na si Antoinette Jadaone upang magdirek ng bago nilang pasabog at paandar na pelikula.

Supalpal siyempre ang bashers ng JaDine love­team dahil sa pagsisimula nila ng bagong movie. May kanya-kanya man silang solo project, alagang-alaga pa rin nila ang dalawa.

Si Antoinette ang nagdirek ng hit series nilang On The Wings of Love kaya asahan ang pagbuhos ng kilig sa bago nilang movie. Wala pang title ng screen comeback ng dalawa na inilabas ng director sa kanyang Instagram account.

Sa IG naman ng Viva Films, inilabas nila ang photo ng braso nina James at Nadine na may mga tattoo.

“Jadine X Jaodane Break a leg JaDine @james @nadine & Direk @tonetjaodane 1st shooting day @vivafilms.”

Dingdong excited sa pagdadalaga ni Zia  

Inihahanda na ni Dingdong Dantes ang anak na si Zia sa mala-jungle na mundong haharapin nito sa paglaki niya. Two years old na si Zia last November 23 kaya sa Instagram account ni Dong, maramdamin ang mensahe niya bago ang birthday na sinamahan ng litrato habang karga-karga niya ang anak.

“As a father, there is no guarantee of until when I could still hold her like this – as if everything ahead depends solely on my shoulders. It is such a noble feeling. The past two years with her have been the best years of my life and I can’t wait to see how she’ll blossom into that fine woman she’s meant to become. For now, we her parents, are happily preparing her for that jungle there – it will be a matter of time.

“Tomorrow mark a new chapter in her hyper-toddler life and there is no time to waste. So back to completing those puzzles, reading books, and singing her favourite Moana theme song, ‘How far I’ll go?’ But wait, not yet. Not too fast our #MariaLetizia by @marianrivera.”

Kyut na kyut naman ang komento ng followers ni Marian Rivera nang i-post ang birthday costume ni Zia. Unlike nu’ng unang birthday ni Zia na simple lang, this time, siniguro ni Marian na todo-enjoy ang anak, huh!

Carmina at Zoren, gusto pang magka-baby

Aminado si Carmina Villaroel na na-overwhelmed sila ni Zoren Legaspi nang lumabas ang kambal nila na babae at lalaki. Pero habang lumalaki, tinanong din nila ang sarili kung bakit hindi pa sundan ang kambal na anak.

“Pero feeling ko parang hanggang doon na lang talaga. Hindi naman kami nagpipigil. Hindi rin naman kami nagta-trying hard. ‘Pag dumating, okay ‘pag hindi eh ‘di hindi.

“Ay, tuloy ang ligaya! Hindi kasi kami super trying. Kasi nga unang-una ang hirap magdisiplina ng mga anak. Ang hirap magdisiplina not only financially na pag-aaralin mo sila!

“Pinakamahirap ngayon ang magdisiplina lalo na sa edad nila ngayon. D­iyos ko, Day! So baka sabi ni Lord okay na ‘yon,” pahayag ni Mina na kasama sa bagong GMA series na Kambal, Karibal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with