^

Pang Movies

Balik-Vegas, Pia uupong judge sa Miss U!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May balita na judge si Pia Wurtzbach sa Miss Universe na magaganap sa Las Vegas sa November 26.

Tiyak na hindi mapipigilan ni Pia ang mag-reminisce sa pagbabalik niya sa Las Vegas dahil dito natupad ang kanyang pangarap na maging Miss Universe noong December 2015.

Si Rachel Peters ang panlaban ng Pilipinas sa Miss Universe sa 2017. Iniintriga sina Pia at Rachel ng mga baklita na happiness na ang gu­mawa ng gulo at isyu na walang basehan. Saka ko na ikukuwento sa inyo ang intriga na ikinakalat ng mga vaklush.

Tetchie tumigil sa pagtuturo

Huminto na pala sa pagtuturo si Tetchie Agbayani para mag-concentrate sa acting career niya.

Sa mga hindi nakakaalam, propesora si Tetchie sa isang private school sa Quezon City at may karapatan na maging teacher dahil mahusay siya na magturo sa mga estudyante.

Sikat na sexy star si Tetchie noong dekada ’80 at maingay na maingay ang pangalan niya nang ma­ging cover girl siya ng German edition ng Playboy.

Naging Hollywood star din si Tetchie pero bumalik siya ng Pilipinas dahil there’s no place like home.

Tumaba na si Tetchie pero maganda pa rin ang mukha niya at kahit may unwanted pounds, sexy pa rin siya sa paningin ng mga tao dahil sa kanyang natural intelligence.

Aktor na may bagong serye, matagal  na ang relasyon sa hunk singer

May bagong teleserye ang aktor na malihim sa lovelife niya.

Matagal nang nali-link ang aktor sa isang hunk singer pero walang denial at lalong walang confirmation dahil hindi naman niya inaamin ang tsismis na baklita siya.

Ready na ang mga repor­ter na tanungin ang aktor tungkol sa lovelife nito kapag nagkaroon ng presscon ang teleserye na kinabibilangan niya.

Tingnan natin ang magiging reaksyon ng aktor na hindi visible sa showbiz kaya walang chance ang mga reporter na usisain siya tungkol sa mga ganap sa buhay niya.

Santa Santita iibahin ang title

True na kasali si Christopher de Leon sa cast ng Santa Santita ng GMA 7 pero baka mapalitan pa ang pamagat ng teleserye.

Hindi ako nagkukuwento tungkol sa bagong television project ni Christopher pero lumabas na ang mga balita at litrato na kuha sa story conference kaya imposible na mailihim pa.

Siyempre, maganda ang role ni Christopher sa Santa Santita na starring din ang another alaga ko, si Quezon City District V Congressman Alfred Vargas na malaki na ang ipinayat dahil pinag­hahandaan niya ang taping ng kanyang bagong show sa Kapuso Network.

Hindi ko pa alam ang exact airing date ng Santa Santita pero tiyak na mapapanood ito bago matapos ang November.

1st runner up ng Miss Globe nahasa kay Willie

I’m sure, nag-congratulate si Willie Revillame kay Nelda Ibe, ang first runner up sa Miss Globe na ginanap sa Albania noong Friday night.

May contribution si Willie sa tagumpay ni Nelda dahil naging co-host ito ng Wo­wowin bago bumiyahe sa Albania.

Ang short stint niya sa top rating game show ni Willie ang dahilan kaya nahasa si Nelda sa pagsasalita sa harap ng mara­ming tao. Tiyak na nadagdagan ang self-confidence niya na malaki ang naitulong nang lumaban siya sa Miss Globe na isa sa mga sangkatutak na beauty contest sa buong mundo pero isa lang ang itinuturing na presti­gious, ang Miss Universe.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with