^

Pang Movies

Nate tinalo ang ibang singer

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nate tinalo ang ibang singer

DoReMi, at Nate

Special guests ni Regine Velasquez sa 30th anniversary concert niya sa MOA Arena noong Sabado ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid at ang kanilang anak na si Nate.

Proud parents sina Regine at Ogie dahil maayos na nairaos ni Nate ang pagkanta.

Walang kakaba-kaba ang bagets nang kantahin nila ng nanay niya ang I Can.

Kapag nasa stage ang mga performer at naka­tutok sa kanila ang mga ilaw, hindi nila nakikita ang mga manonood.

Hindi siguro kinabahan si Nate dahil hindi nito napansin ang libu-libong mga tao na nanood ng concert niya.

In all fairness sa bagets, sanay na sanay siya sa maraming tao at napansin ko ito sa presscon noon ng PLDT Home para kay Regine.

Walang inferiority complex si Nate dahil tumulong pa siya sa pamimigay ng mga loot bag sa mga reporter.

Dra. Vicki at Hayden nag-enjoy sa concert

Pinanood ni Dra. Vicki Belo at ng kanyang asawa na si Hayden Kho, Jr. ang concert ni Regine na original Belo baby.

Hindi pa sikat ang Belo Medical Clinic, pasyente na nila si Regine kaya malakas ang loob nito na magsabi na “only Belo touches my skin.”

Major sponsor ng anniversary concert ni Regine ang beauty clinic ni Vicki.

Nag-enjoy nang husto si Vicki sa panonood at ipinagmamalaki niya ang world-class talent ng kanyang inaanak sa kasal.

“Congratulations to our Regine Alcasid for an amazing and touching concert. Your talent is a true testament of God’s goodness. Keep inspiring hearts with your voice. Love you,” ang congratulatory message ni Vicki para kay Regine na imbitado rin sa kanyang Paris wedding noong September 2, 2017.

R3.0 ipapalabas sa TV

Mapapanood sa GMA 7 ang concert ni Regine pero hindi pa sinasabi ng management kung kailan.

Must watch ang telecast ng R3.0 dahil pinupuri ito ng mga nakapanood.

Nasulit daw ang ilang taon na hindi pagkakaroon ni Regine ng concert dahil bonggang-bongga ang show niya sa MOA Arena noong Sabado at kagabi. Complete package umano ang concert dahil may kantahan, tawanan, at iyakan.

Numero-unong pintasera female singer siniraan ang mga bagets na nakasama sa production number

Walang utang na loob ang female singer na inim­bitahan na nga na mag-perform sa isang sikat na television show, siniraan pa niya ang mga bata na kanyang nakasama sa isang production number.

Ipinagkakalat ng ingrata na female singer na baklita raw ang dalawang bagets na nakatrabaho niya. Hindi puwedeng mag-deny ang female singer dahil ang staff ng another television show ang nakarinig ng paninira niya sa talented bagets.

So what naman kung vaklush ang mga bata? Hindi naman mortal sin ang maging bading ‘no!

Numero unong pintasera ang singer na napakalinis kung umasta pero may inililihim na dark past.

Sa true lang, kinabubuwisitan ang female singer na feeling sikat at prima donna ang attitude kaya hate na hate siya ng mga tao na nakakasalamuha niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with