^

Pang Movies

High School scandal nina Gina at Sandy bubuhayin sa QC Cinema

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Must-see for the children, lalo na nina Gina Alajar at Sandy Andolong, ang pelikulang High School Scandal, filmed in 1981, na magkakaroon ng invitational premiere ngayong araw, October 20, sa U.P. Town Center, 9 p.m., courtesy of the QC Cinema and the ABS CBN Film Restoration, headed by Leo Katigbak.

High School Scandal, directed by the late Gil Portes, from a story  and script by Toni Perez, aside from Gina and Sandy stars, too, Ting Jocson and Greggy Liwag.

Come to think of it, nasaan na kaya ngayon sina Ting at Greggy? In the case of Gina and Sandy, aktibo pa sila pareho sa showbiz.

Nagdidirek na si Gina ng TV shows at pelikula, at minsan ay umaarte pa rin.

Ang mga anak niyang sina Ryan at Gabby Eigenmann ay pawang mga actor din.

Si Sandy naman ay regular na napapanood sa Home Sweetie Home, na napapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN. Aktibo pa rin sa pag-arte ang asawa niyang si Christopher De Leon. Ang kanilang anak na si Mariel de Leon, na kinoronahang Miss International, ay nag-aartista na rin via the Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, Ang Panday, bilang leading lady ni Coco Martin, na siya ring producer at director ng pelikula.

Of High School Scandal, guess who sung the theme song of the movie?

Walang iba kung hindi si Sharon Cuneta, na hindi pa Megastar noon.

Since Sharon was born January 6, 1966, she was only 15 when High School Scandal was released in 1981.

Ito na talaga Sharon at Robin magsisimula na 

Speaking of Sharon, if plans do not miscarry, ang kanyang reunion movie kasama si Robin Padilla ay magsisimula na ang shooting.

As of the moment, wala pang tiyak kung ano ang titulo ng pelikula at kung sinu-sino ang magiging co-stars nina Sharon at Robin.

Ganun pa man, tiyak nang ang magdi-direk nito ay si Cathy Garcia-Molina, whose currently showing movie, Seven Sundays, is considered a supreme box office success, while at the same time, earning good reviews from both the critics and the ordinary moviegoers.

Tampok sa Seven Sundays sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil at Ronaldo Valdez.

Of the Sharon-Robin movie, isa ito sa dalawang movies na ipinangako ni Direk Cathy na kanyang pamamahalaan bago tuluyang mamahinga sa showbiz in two years. She also plans na gumawa rin ng series, which, probably, would mark the first time na mag-teleserye si Aga.

Mag-aasawang muli si Direk Cathy na ang naunang asawa ay naaksidente at namatay.  May dalawang anak na naiwanan sa kanya ang dating mister. Gusto raw ni Direk Cathy na matutukan ang mga ito sa kanilang paglaki. Bukod, of course, sa bagong pamilyang bubuuin niya.

John Lloyd at Ellen bago pa mag-pasko uuwi

Malamang daw, Salve A., na nabili rin ni John Lloyd ‘yung milyones na halaga ng engagement ring na ibinigay niya kay Ellen Adarna, nang magkita sila sa Switzerland.

Balitang nasa Europe pa ang dalawa. But, according to sources, malamang na dito mag-Christmas ang magka-relasyon.

The same sources, though, doubt na magpapakasal ang dalawa bago bumalik dito.

Of their weekly sitcom, Home Sweetie Home, nanatiling maganda ang ratings nito, based sa survey ng mga TV programs na ipinalabas last Saturday.

Obvious na wala ngang balak ang management na itigil ang airing nito, tulad ng assurance ni Ogie Diaz na isa sa regular ng sitcom.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with