Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kahit ‘di inimbita, AiAi open sa wedding gift ni Kris!

Hindi nagpaka-plastic si Comedy Queen AiAi delas Alas sa tanong sa kanya kung ano ang gusto niyang wedding gift.  “Pera,” ang mabilis na sagot ni AiAi. Sa pagpapakasal daw nila ng boyfriend na si Gerald Sibayan, magsisimula pa lamang sila. May pre-nuptial agreement sila kaya kung ano ang pera niya, sa kanya lamang iyon.  Kaya ang lahat ng kikitain nilang mag-asawa after the wedding, iyon ang pagsisimulan nila ng pera nila.

Alam nang hindi niya inimbita si Kris Aquino, pero natanong si AiAi kung paano raw kung magpadala si Kris ng wedding gift? Tatanggapin daw niya dahil hindi siya tatanggi sa grasya. Nilinaw din ni AiAi na wala pa silang ipinadadalang invitations dahil ginagawa pa ito.

Sa kabila ng paghahanda ni AiAi sa kanilang kasal, sunud-sunod pa rin ang work niya. Siya ang tampok sa episode ng Magpakailanman sa Sa­turday, October 14, sa Tanging Nanay: The Emily Baclao Story pagkatapos ng Pepito Manaloto. May taping din siya ng Bossing and Ai na napapanood naman every Sunday evening at 10:30 pm. May Sunday PinaSaya siya every Sunday noontime at busy rin siya sa pagpu-promote ng bago niyang movie, ang The Bes and the Beshies for CineKo na showing na sa October 18.

Sabi nga ni AiAi susulitin na lamang niya ang bakasyon sa honeymoon nila ni Gerald sa Europe after their wedding.

Rodjun at Dianne patatali na

Mukhang bago matapos ang 2017, mara­ming marriage proposals at wedding ceremonies na magaganap.

Pagkatapos ngang mapabalita ang pagpapakasal nina Pancho Magno at Max Collins sa December 11 at sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa December 12, at sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na wala pang sinabing exact date ng wedding this November, noong Sunday, October 8, naman maraming nagulat sa biglaang marriage proposal ni Ben Wintle kay Iza Calzado. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

At noong Tuesday, nag-post sa Instagram niya ng marriage proposal si Rodjun Cruz sa girlfriend na si Dianne Medina.

Matagal na naming kinukulit si Rodjun kapag nakakausap siya sa GMA, kung kailan sila magpapakasal ni Diane. For almost 10 years, walang nabalitang na-link sa iba sina Rodjun at Diane. Hinangaan ang kanilang relasyon na sabi nga nila ay si Jesus Christ ang nasa center kaya nahawakan nila ito nang maayos.

Bale ang pagpayag ni Diane na magpakasal na kay Rodjun ang naging birthday gift niya sa boyfriend who turned 30 years old noong October 10. Post ni Rodjun sa kanyang IG account: “Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko ay ang matamis mong oo!”

Umani ng pagbati sina Rodjun at Diane mula sa mga kaibigan nila sa industry. Wala pa namang sinabi ang dalawa kung kailan sila magpapakasal. Si Rodjun ay nasa Kapuso Network at si Diane naman ay freelancer doing shows sa Kapamilya at sa Kapuso Network. Congratulations!

Kapuso broadcasters bawal tumanggap ng cash prize!

Sunud-sunod na naman ang pagbibigay ng awards ng mga award giving bodies at bukod sa entertainment, lagi rin kasama ang mga radio and TV personalities sa GMA News ang nakakasama sa mga tumatangap ng awards. May ilang award giving bodies na may cash prize na kasama.

Nalaman namin na may ruling pala ang GMA News & Public Affairs na hindi  puwedeng tumanggap ng cash prizes ang mga broadcaster nilang nanalo ng alinmang award. Kaya ang cash prize na natanggap nila that moment ay ibinabalik nila agad. Ang iba namang hindi agad nakita ang cash prize ay idinu-donate nila sa GMA Kapuso Foundation kahit gaano man ang premyong natanggap nila.  Matibay sila sa pagsunod sa patakaran ng Kapuso Network.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: