^

Pang Movies

Pres. Duterte alam na alam ang mga tsismis sa showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pres. Duterte alam na alam ang mga tsismis sa showbiz

President Rodrigo Duterte

May plano na i-meet ng entertainment press si President Rodrigo Duterte pero hindi ko pa alam kung kailan, depende siguro sa availability niya bilang super hectic ang schedule ng pangulo.

Si PCOO Secretary Martin Andanar ang nagsabi sa akin na updated si Papa Rody sa mga nangyayari dahil araw-araw ang pagbabasa nito ng diyaryo.

Ang sey ni Papa Martin, binabasa ni Papa Rody ang lahat ng mga diyaryo kaya sure na alam din niya ang mga ganap sa showbiz.

Walang ipinagkaiba ang pangulo kay Congresswoman Vilma Santos-Recto na binabasa rin ang lahat ng mga diyaryo kaya kilala niya sa pangalan at sa mukha ang lahat ng mga showbiz reporter.

Naloloka nga ang mga entertainment writer kapag nakakahalubilo nila ang Star for All Seasons dahil kilala nito sila sa kanilang first name. Ganyan katindi si Mama Vi kaya kahit first time niya na ma-meet ang reporter, parang matagal na sila na magkakilala.

Nang mag-meet for the first time sina Papa Rody at Ricky Lo, kilalang-kilala rin niya ang entertainment editor ng Philippine Star. Kandidato pa lamang siya noon at hindi pa nahahalal na president ng bansa. Nagbabasa rin kasi si Papa Rody ng mga showbiz news.

GMA reporter binantaan sa ‘pag-cover’ kay Sen. Trillanes

Dahil addicted ako sa panonood ng mga Koreanovela, kahapon ko lang nabalitaan ang pagpunta sa Singapore ni Senator Antonio Trillanes para humingi ng certification sa mga bangko doon bilang patunay na walang katotohanan ang paratang ni Papa Rody na may hidden wealth siya.

Nagsama si Senator Trillanes ng mga reporter para i-cover ang kanyang misyon pero kawawa ang ilang reporter dahil sila ang napagdiskitahan ng mga basher.

Ang GMA News reporter at anchor na si Ivan Mayrina ang nag-share ng malungkot na karanasan ni GMA 7 reporter Jam Sisante na ka-join sa Singapore trip ni Trillanes. Ito ang emote ni Ivan: “So my friend and colleague Jam Sisante covered Senator Trillanes in Singapore and reported the news about the non-existence of his supposed accounts in a bank there.

“Shortly after her report aired over 24 Oras, she received a nasty message. Magkano raw ba ang binayad sa kanya? Ingat daw siya at baka matagpuan na lang siya na nakasilid sa sako.

“First: Jam is GMA News’ Senate reporter. The event was a legit Senate story. She was doing her job.

“Second: Hindi mo nagustuhan ang report niya. Hindi tumugma sa paniniwala mo ang ni-report niya. So you accuse her of being corrupt? And corruption justifies murder?!

“People, let’s get this straight. Enough of shooting the messenger. Trabaho namin ang mag-cover at mag-report. At kapag nag-report kami ng labag sa paniniwala mo, that doesn’t make us paid hacks and should not make us targets of your murderous rage. You know what we call it? Simply, OUR JOB,” ang emote ni Ivan.

I’m sure, kilala ni Jam ang nagpadala sa kanya ng threat dahil alam nito ang cellphone number niya. Walang mawawala kung ipapa-blotter ni Jam ang insidente, seryoso man o hindi ang pananakot na kanyang natanggap mula sa isang duwag na afraid na ipakilala ang sarili.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with